Home » Post Item » SPEECH ABOUT LIFE Ü
SPEECH ABOUT LIFE Ü
November 17, 2009
Una sa lahat. si DYANE po ito. CEEDEE ang ginagamit kong pangalan date, at kung bakit napagpasyahan kong ibunyag na ang tunay kong pangalan, wala ka na don. walang basagan ng trip. blog namin to.
Ikalawa.. malalim ang mensahe ng blog ko ngayon at talagang nakaka nose at ear bleed sa sobrang katagalugan. mas inuna ko pang gawin ito kaysa sa aking asignatura kaya dapat lang na basahin niyo ito! at wala akong pakialam kahit na si tep, rose at paula lang nagbabasa ng nandirito. ang importante ay mahalaga.
BUHAY ESTUDYANTE. ano nga ba ang pinagkaiba nito sa buhay tambay? siguro nga madame. pag tambay ka, nagagawa mo ang lahat ng gusto mo basta ang pinaka role mo lang naman ay tumambay sa may kanto o sa bahay niyo kung shy-type ka. YUN LANG. pero wala na tayong pakialam pa don dahil kung ikukumpara mas masaya ang maging estudyante. una na dyan ay dahil sa mga kalalakihan (kababaihan kung lalake). sila ang dahilan kung bakit araw-araw ganado kang pumasok, lalo na kung natyempuhan mong katabi mo pa kahit sa isa man lang subject! (ehem, ica XD). yung makita mo lang, masaya ka na kahit na may iba na siya (ehem, ate rose XD), napapangiti ka niya kahit na may iba ka na din! (ehem, tep), at kahit na pa minsan lang sa maliwanag na buwan mo siya matanaw at maulinanag (ehem, pau).
pero syempre hindi lang naman umiikot ang buhay diyan sa pag sinta sinta lang naten. pinakaimportante pa din ang mga kaibigan. sila ang lagi mong kasama simula sa pagsunod sunod mo na parang aso sa crush mo, hanggang sa pagiyak mo na parang tanga dahil nalaman mong may syota na pala siya o kaya ay dahil binabae pala siya. sila ang tumatanggap sa atin ng buong buo, kahit na gaano pa tayo kalakas maghilik, gaano pa tayo katakaw kumain, kahit gaano pa kasama ang pag uugali naten, (ehem, ja XD) o kahit gaano pa tayo kalakas umubo (ehem!). sila ang pumapangalawa sa ating mga kapatid, sa ating mga pinsan at kamag-anakan. kung wala sila, siguro wala din tayo. andiyan pa din tayo! pero hindi na tayo, tayo, kung sino man tayo ngayon (GULO BA?)
tell me who your friends are, and I’ll tell you who you are.
yan ang isa sa pinaka sikat na kasabihan nating mga filipino. totoo ba to? siguro, hindi ko natitiyak. naniniwala ba ako dito? minsan oo, minsan hinde.naniniwala ako na kung sino man ako ngayon, yun ay dahil sa napakalaking impluwensiya sa akin ng mga kaibigan ko. parte sila ng sistema ko. iba siguro ako ngayon kung hindi sila ang pinili kong maging kaibigan. hindi ako.. ako.
iba iba ang tao, hindi mo masabe kung alin ang alin, at kung ganito ang ganun. MAGULO ANG MGA TAO DAHIL MAGULO ANG BUHAY.
nakaranas ka na ba ng tahimik at walang tunog na buhay? kung oo, kawawa ka brad! dahil siguradong wala ka na sa planetang daigdig. at kung nasaan ka, hindi ko alam, dahil hindi ko pa naranasan ang nararanasan mo.
Araw-araw sa buhay natin, kahit nasaan, anong oras, anong lugar pa yan, hindi pwedeng hindi maingay o magulo. galing man yan sa birthday videoke na nang gagaling sa kapitbahay niyo, o sa aso na tahol ng tahol sa may lansangan, o sa batang ngiwi ng ngiwi sa may tabi niyong bahay, o sa mga tambay na nag iinuman sa may tapat niyong tindahan o kahit na pa sa telebisyon o radyo lang na pinapanuod o pinakikinggan mo ngayon, o sa tatay o kapatid mong naghihilik na sa pagtulog. sa lahat ng panahon, may kaingayan o pwede rin nating tawaging tunog sa paligid natin.
Isipin mo nalang kung walang TUNOG o KAINGAYAN. kakayanin mo kaya? di ka kaya matulad kay Sisa at mabuwang na nang tuluyan? Ewan ko lang sayo, basta ako, oo. (CRISPIN? BASILIO???? ) lol.
Ginawa ko itong litanya na ito patungkol sa kahit anong maisip ng utak ko, hindi dahil naiinip ako,at walang magawa, hindi din dahil obligado akong magsulat dito kundi dahil nakatrip ako. at inuulit ko, walang basagan ng trip!
Sa sinulat kong ito, napansin niyo na sigurong wala naman talagang speech na patungkol sa buhay katulad ng isinulat ko sa pamagat. wala lang talaga akong maisip na pamagat, kaya pagpasensyahan niyo na ako. ako’y tao lamang na nagkakamali at nagkakasala.
PS. NAGDUGO ANG ILONG KO SA PAG IISIP NITO KAYA PAGPASENSYAN NIYO NA KUNG PIPILIIN KONG I PUBLISH ITO KAHIT WALA NAMAN TALAGA ITONG KWENTA AT BASURA LANG ANG TINGIN NG IBA. DAHIL ANO MAN ANG MANGYARE, SINO KA MAN, ANO KA MAN..WALA KANG MAGAGAWA DAHIL BLOG KO ITO! ROFL!
GOODNIGHT!
Previous Comments
All comments are moderated. Your comments will not appear here unless approved by the blog owner. Thank you.





happpy ka ba sa buhay muh
Posted by princess at January 6, 2010, 6:24 pm