Home » Archives » November 2009
2012 — is our end?
November 22, 2009
hello kababayan. kapamilya. at kadugo.
dahil usong uso ngayon ang pelikulang 2012. napagpasyahan kong magsulat paukol dito. at para magawa ito, kinailangan ko pa ang tulong na mga lisensyadong ehenyero (joke!). nagpakalap ako ng tanong. isang tanong napakahirap sagutin. isang tanong na magpapabago ng buong buhay mo. (OA! hahaha
)
ang tanong ay.. drum roll please!
WHAT WOULD BE THE ONE LAST THING YOU WOULD DO BEFORE THE WORLD WILL END?
1. iipunin lahat ng crush at sabay sbay na ipagtatapat ang nililihim na pagnanasa.
2. magnanakawa ng hug at kiss sa crush.
3. dahil 3rd year palang kami sa panahong iyon, pupunta na at susugod sa PSO (tama ba?) at hihingin na ang lisensya bilang enhenyero!
4. mag ba bumjee jumping!
5. maghoholdup ng bangko, atsaka ipang s-shopping! (weird no?)
6. papatawarin ang lahat ng naka-away, nakatampuhan, naka LQ, nang-api, nang-lait, nagpasakit, nagpagulo, nagpaiyak, nagpadurog ng puso, nagpalungkot sa buhay at pagkatao. (deep!)
7. bibili ng napakaraming pagkain, at magpapakataba at magpapakabusog hanggang mamatay nalang sa sobrang kabusugan.
8. makikipagbonding sa lahat ng mahal at importante sa buhay. (aww)
9. magpapakasal sa lalake (kung babae), sa babae (kung lalake). (BAKET? lol)
10. sasamahan ang lahat ng taong importante sayo, at sabay sabay na magdadasal na sana ang sinabing katapusan ay walang katotohanan. (awwwww. deep Ü)
PAALALA: ang lahat ng nakasaad dito ay hindi lamang nang- galing sa tuktok ng ulo ko, ito po ay mga kasagutan ng mga kaklase ko sa R-131. at syempre pangangalan ko sila, mga VIF (Very Important Friends. rofl!)
sina ROSAS, PAULA, TEP, ICA, GELLI, GELINE, KEVIN, EZRA, ACE…
sila ang mga salarin na nagisip ng mga nasalistahan sa taas.. bahala na kayong manghula kung ano ang mga sinabi nila doon. dahil antok na ako.
pero dahil mabait naman ako, mag iiwan ako ng song and video.. kung mag kakaron man ng kaguluhan kung sakaling mag end nga ang world. sana ganto nalang yung disaster.. ity would be deliciously painful! rofl
song: STRAWBERRY AVALANCHE
singer: OWL CITY
video: HSAC4LIFE
BOW BOW BOW BOW.Ü
GOODNIGHT!
FROSTY THE SNOWMAN…
November 19, 2009
at dahil makapal kapal ang face ni ate ROSAS. ni re request niya na magpost about kay SNOWMAN. (kahit na alam ko at nararamdaman ko na si KAMBING talaga ang gusto niya. rofl)
si SNOWMAN ay isang batang lalake na naparusahang maging snowman habangbuhay dahil sa bata pa lang siya, nagmahal na siya sa isang bulaklak. isang bulaklak na hindi pwedeng mahalin. kaya nang malaman ng reyna ng mga bulaklak na nagmamahalan ang batang lalake na ito at ang kanyang bulaklak, pinarushan ang batang lalake na maging isang SNOWMAN pang habang buhay. (at kung bakit snowman, ay hindim ko din alam). ang kawawang bulaklak naman ay naghinagpis sa sobrang lungkot, ngunit, subalit, at datapwat, hindi din nagtagal ang kanyang kalungkutan dahil may dumating na kambing na kanyang minahal muli.. pero sa kasamaang palad, nangangain ng bulaklak ang kambing na ito kaya, namatay ang kawawang bulaklak.
at doon nagwawakas ang istorya ni snowman. BOW.
NOTE: ang iyong nabasa ay katang isip lamang.
eto na talaga ang love story nila. hinanap ko pa to sa youtube. favorite band ko yan. at kikiligan si ROSAS pag na feel niya yang song na yan.at alam kong ma f-feel nya kase ma feeling siya! hahaha.
SONG: if my heart was a house
SINGER: OWL CITY <3
VIDEO BY: hsac4life
idol ko yung me gawa ng video. napaka cute ng mga vids na ine edit nya! haha.
SPEECH ABOUT LIFE Ü
November 17, 2009
Una sa lahat. si DYANE po ito. CEEDEE ang ginagamit kong pangalan date, at kung bakit napagpasyahan kong ibunyag na ang tunay kong pangalan, wala ka na don. walang basagan ng trip. blog namin to.
Ikalawa.. malalim ang mensahe ng blog ko ngayon at talagang nakaka nose at ear bleed sa sobrang katagalugan. mas inuna ko pang gawin ito kaysa sa aking asignatura kaya dapat lang na basahin niyo ito! at wala akong pakialam kahit na si tep, rose at paula lang nagbabasa ng nandirito. ang importante ay mahalaga.
BUHAY ESTUDYANTE. ano nga ba ang pinagkaiba nito sa buhay tambay? siguro nga madame. pag tambay ka, nagagawa mo ang lahat ng gusto mo basta ang pinaka role mo lang naman ay tumambay sa may kanto o sa bahay niyo kung shy-type ka. YUN LANG. pero wala na tayong pakialam pa don dahil kung ikukumpara mas masaya ang maging estudyante. una na dyan ay dahil sa mga kalalakihan (kababaihan kung lalake). sila ang dahilan kung bakit araw-araw ganado kang pumasok, lalo na kung natyempuhan mong katabi mo pa kahit sa isa man lang subject! (ehem, ica XD). yung makita mo lang, masaya ka na kahit na may iba na siya (ehem, ate rose XD), napapangiti ka niya kahit na may iba ka na din! (ehem, tep), at kahit na pa minsan lang sa maliwanag na buwan mo siya matanaw at maulinanag (ehem, pau).
pero syempre hindi lang naman umiikot ang buhay diyan sa pag sinta sinta lang naten. pinakaimportante pa din ang mga kaibigan. sila ang lagi mong kasama simula sa pagsunod sunod mo na parang aso sa crush mo, hanggang sa pagiyak mo na parang tanga dahil nalaman mong may syota na pala siya o kaya ay dahil binabae pala siya. sila ang tumatanggap sa atin ng buong buo, kahit na gaano pa tayo kalakas maghilik, gaano pa tayo katakaw kumain, kahit gaano pa kasama ang pag uugali naten, (ehem, ja XD) o kahit gaano pa tayo kalakas umubo (ehem!). sila ang pumapangalawa sa ating mga kapatid, sa ating mga pinsan at kamag-anakan. kung wala sila, siguro wala din tayo. andiyan pa din tayo! pero hindi na tayo, tayo, kung sino man tayo ngayon (GULO BA?)
tell me who your friends are, and I’ll tell you who you are.
yan ang isa sa pinaka sikat na kasabihan nating mga filipino. totoo ba to? siguro, hindi ko natitiyak. naniniwala ba ako dito? minsan oo, minsan hinde.naniniwala ako na kung sino man ako ngayon, yun ay dahil sa napakalaking impluwensiya sa akin ng mga kaibigan ko. parte sila ng sistema ko. iba siguro ako ngayon kung hindi sila ang pinili kong maging kaibigan. hindi ako.. ako.
iba iba ang tao, hindi mo masabe kung alin ang alin, at kung ganito ang ganun. MAGULO ANG MGA TAO DAHIL MAGULO ANG BUHAY.
nakaranas ka na ba ng tahimik at walang tunog na buhay? kung oo, kawawa ka brad! dahil siguradong wala ka na sa planetang daigdig. at kung nasaan ka, hindi ko alam, dahil hindi ko pa naranasan ang nararanasan mo.
Araw-araw sa buhay natin, kahit nasaan, anong oras, anong lugar pa yan, hindi pwedeng hindi maingay o magulo. galing man yan sa birthday videoke na nang gagaling sa kapitbahay niyo, o sa aso na tahol ng tahol sa may lansangan, o sa batang ngiwi ng ngiwi sa may tabi niyong bahay, o sa mga tambay na nag iinuman sa may tapat niyong tindahan o kahit na pa sa telebisyon o radyo lang na pinapanuod o pinakikinggan mo ngayon, o sa tatay o kapatid mong naghihilik na sa pagtulog. sa lahat ng panahon, may kaingayan o pwede rin nating tawaging tunog sa paligid natin.
Isipin mo nalang kung walang TUNOG o KAINGAYAN. kakayanin mo kaya? di ka kaya matulad kay Sisa at mabuwang na nang tuluyan? Ewan ko lang sayo, basta ako, oo. (CRISPIN? BASILIO???? ) lol.
Ginawa ko itong litanya na ito patungkol sa kahit anong maisip ng utak ko, hindi dahil naiinip ako,at walang magawa, hindi din dahil obligado akong magsulat dito kundi dahil nakatrip ako. at inuulit ko, walang basagan ng trip!
Sa sinulat kong ito, napansin niyo na sigurong wala naman talagang speech na patungkol sa buhay katulad ng isinulat ko sa pamagat. wala lang talaga akong maisip na pamagat, kaya pagpasensyahan niyo na ako. ako’y tao lamang na nagkakamali at nagkakasala.
PS. NAGDUGO ANG ILONG KO SA PAG IISIP NITO KAYA PAGPASENSYAN NIYO NA KUNG PIPILIIN KONG I PUBLISH ITO KAHIT WALA NAMAN TALAGA ITONG KWENTA AT BASURA LANG ANG TINGIN NG IBA. DAHIL ANO MAN ANG MANGYARE, SINO KA MAN, ANO KA MAN..WALA KANG MAGAGAWA DAHIL BLOG KO ITO! ROFL!
GOODNIGHT!
2nd SEM (bow)
November 14, 2009nagumpisa na ang second sem namin. at sa paguumpisa nito, nagumpisa narin kaming maglantong. (hha!)
well, marami kaming new classmates, every subjects nga merong bago eh. siguro ito ung dahilan kung bakit para sakin mas masaya ang college life sa high school life. kasi mas marami kang nakikilalang ibat-ibang klasi ng tao.
pero di ang pagcocompare ko sa highschool life at college life ang topic ko. (pakialam ko dun!) hha. ang topic ko ay tungkol sa mga bagong lalaki ng mga dalaga ng R131. (naks!)
noong nakaraan, bago pa ang lahat, sinabi narin ni Paula ang nililihim niya. ito ay tungkol kay POLITE at sa mga crushes niya. at sila ay sina….. DYANEDANDANDANDANDAN!……………………..SECRET. di ko sasabihin. beh!
kaya, ayun, nagsipagmove-on na sila. meron na silang bagong kinahihibangan. umpisahan natin kay CEEDEE.
–NUNO and KAMBING. ih. bakit pareho kami? sumusobra na siya ahh! pati ba naman yan paghahatian namin? ay rugo. pero infairness, cute naman talaga sila. si papa J mukhang kambing. tapos si papa A mukhang nuno! (makikiraan po) lolol.
kay ROSAS naman. ang dalagang bukid. hha!
–SNOWMAN and PAXhit and KE. lolol. well. si SNOWMAN, cute naman. kaya lang wag mo siyang pagsasalitain. madidisappoint kalang. lmao. si PAXhit, di naman namin siya klasmeyt. at di rin namin xa nakikita. kaya ewan ko nalang kung ano nakita ni ROSAS sakanya. (siguro sinabi lang ni ROSAS na crush niya si PAXhit para panakip sa totoong damdamin niya) AND speaking of TOTOONG DAMDAMIN ni ROSAS, aminin man niya o aminin niya na may gusto siya kay KE, ay alam naman namin ang sagot dun. at yun ay malalaman niyo sa TAKDANG PANAHON. lol
kay PAULA naman. ang babaeng nagdadalaga na.
–KAMBING and 4 more. sinabi na niya yung apat eh. at ayoko ng ulitin yon. ano ako? photocopy xerox ubix? hha. si papa KAMBING ay recently added lang. well, what can i say? CUTE talaga xa. buti nalang R131 din xa. YAHOOOOOOOOO!mahaba habang inuman to!
at lastly, but not the leastly, lololol. si ICA. ang babaeng…uhmm…ano ba?…ang girl next door. (wow! sang pintuan?)hha.
–si WEIRDO. ang kanyang iniibig. hha. TRIVIA: did you know that Ica’s favorite subject is GEOSOL? why. because on the other side its an ANGEL! wahahaha. (nu daw?) basta ganun.
kilala niyo na siguro kung who me. natural, di ko naman sinali self ko eh. hello? bat ko naman siya sasali? ano ako? bale? hha. sige na nga! IM TEPS and IM SINGLE every SATURDAY. TUESDAY 2-4pm. and WEDNESDAY 1-4pm. hha! ok. joke
miss ko na si JAH. everyone misses JAH.
(hoy! husten! matats ka loks!)




